26
Nang magkagayo'y nagsiahon ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang buong bayan, at nagsiparoon sa Bethel, at nagsiiyak, at nagsiupo roon sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon hanggang sa kinahapunan; at sila'y naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon.
28
At si Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, ay tumayo sa harap niyaon nang mga araw na yaon,) na sinasabi, Lalabas ba ako uli upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid, o magtitigil ako? At sinabi ng Panginoon, Umahon ka; sapagka't bukas ay ibibigay ko siya sa iyong kamay.
31
At ang mga anak ni Benjamin ay nagsilabas laban sa bayan, na ipinalayo sa bayan; at kanilang pinasimulang sinaktan at pinatay ang bayan gaya ng dati, sa mga lansangan, na ang isa'y umahon sa Beth-el, at ang isa'y sa Gabaa, sa bukid, na may tatlong pung lalake ng Israel.